Posibleng tumakbo si Dating Speaker and Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano bilang pangulo ng bansa sa 2022 National Elections.
Ayon kay Cayetano hindi niya ikinukunsidera ang pagtakbo bilang bise presidente ngunit maaaring tumakbo ito sa mas mataas na posisyon o sa pagka-senador.
Matatandaang, naging katambal ni Pangulong Duterte si Cayetano nang tumakbo ito noong nakaraang halalan.
Samantala, pinag-aaralan ni Cayetano ang moralidad ng kanyang posibleng magiging katunggali sa susunod na eleksyon.
Tinitignan na rin ni Cayetano ang magiging posibleng gastos nito kung tatakbo ito sa Halalan 2022.