Tiwala si Cong. Egay Erice na hindi maapektuhan ng posibleng pagkakahati ng boto mula sa Bicol, ang kandidato ng Liberal Party sa pagka bise presidente na si Cong. Leni Robredo.
Ayon kay Erice, nakadepende naman sa uri ng pangangampanya ang pagdami ng boto na makukuha ng isang kandidato.
Sinabi ni Erice na mayroong posibilidad na hindi naman makatanggap ng ano mang benepisyo si Sen. Bongbong Marcos, mula sa pagkakahati ng boto ng Bicol, dahil mahirap tumakbo sa pagka bise presidente, nang walang presidential candidate.
“Syempre kapag nag-iisa ka mahirap yun, ang tingin ko dyan kapag wala kang presidential candidate, argabyado ka sa laban,” paliwanag ni Erice.
By: Katrina Valle |Karambola