Maituturing na genuine democracy ang pagpili ng house speaker ngayong 18th Congress sakaling hindi talaga makialam si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aminado si Cong. Fredenil Castro na tila may kahirapan ang pagboto sa House speakership race kung walang ie- endorso si Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, isa anya sa katangian ng demokratikong pamahalaan ay ang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na malayang makapili ng kanilang gusto.
Sa ngayon, umaabot na sa pito ang naghahangad na maging House speaker at anim dito ang kaalyado ng administrasyon na kinabibilangan ni Presidential Son Paolo Duterte.