Inihain na ni Congresswoman Gwendolyn Garcia ang panukalang nagtatakda ng parameters sa paghahalal ng delegado sa constitutional convention at rules of procedure nito kaugnay sa pag amiyend sa saligang batas
Nakasaad sa panukala ni Garcia ang paghahalal sa 107 delegadong bubuo sa Concon at maging kuwalipikasyon ng mga ito tulad nang paghalal sa mga kongresista
Sakaling maaprubahan ito ang eleksyon para sa Concon delegates ay gagawn sa ikalawang Lunes ng January 2017 at manu mano ang magiging sistema ng eleksyon dito
Para sa NCR o National Capital Region 13 ang delegado, 5 sa Ilocos Region, 11 sa CENTRAL Luzon, 5 sa Western Visayas, 4 sa Zamboanga Peninsula at 5 sa Soksargen Area
Pagkatapos ng eleksyon ang Concon naman ay magko convene para sa opening session sa unang Lunes ng March 2017, alas 10 ng umaga sa session hall ng Kamara
Ang Senate President at Speaker of the House ay sabay na magbubukas ng sesyon bago ihalal ang Presidente ng lupon
Ang Concon ay lilikha ng sariling mga komite at bubuo ng sariling rules pati na ang paghahanda ng sariling budget para sa operasyon hinggil sa Charter Change
Gagastusan ng 300 Million Pesos ang eleksyon ng mga delegado at 500 Million Pesos naman ang budget para sa operasyon ng Concon
By: Judith Larino