Pinagbintangan ni Congressman Harry Roque ang ilang prosecutor na tumanggap ng payoff o di kaya’y imcompetent kaya nadismiss ang ilang high profile cases sa Sandiganbayan.
Sinabi ito ni Roque kasabay ng sunud-sunod na dismissal ng mga kaso sa Sandiganbayan sa pangunguna ng plunder at graft cases ni Dating Pangulong at ngayo’y Deputy House Speaker Gloria Arroyo, Dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante, at iba pa.
Dapat aniyang magpaliwanag ang mga nasabing prosecutor.
Samantala, kinuwestion ng mambabatas ang pagkakabalik sa pwesto ng sinibak na si Ombudsman Special Prosecutor Chief Wendell Barreras-Sulit na siya naman nitong sinisisi sa pagkakabasura sa ilang high profile cases sa Sandiganbayan.
Matatandaang tinanggal si Sulit noong 2013 nang pumasok ito sa Plea Bargaining Agreement sa sinibak na si Major General Carlos Garcia na dating comptroller ng Armed Forces of The Philippines.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc