Opisyal nang inanunsyo ng PDP-Laban ang kanilang ieendorsong kandidato sa house speakership race sa 18th Congress.
Inanunsyo mismo ni Senador Manny Pacquiao sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City na si Congressman Lord Allan Velasco ang napili ng PDP-Laban para sa naturang posisyon.
TINGNAN: Opisyal na pahayag ni Sen. Manny Pacquiao sa pag-anunsyo ng napiling kandidato ng PDP-Laban sa House Speakership race ng 18th Congress | via @OBueno pic.twitter.com/AQdIA308Ym
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 26, 2019
Binanggit din ni Pacquiao na mayorya sa PDP-Laban representatives ay pumirma sa manifesto ng suporta para kay PDP-Laban Congressman Lord Allan Velasco bilang susunod na speaker ng House of the Representatives.
Sinabi pa ni Pacquiao na ito rin ang kanilang iaanunsyo bago pa magbigay ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na June 28, petsa kung kalian nakatakdang magbigay ng posibleng pangalan ng ieendorso naman ni Pangulong Duterte sa pagka-speakership.
Samantala, magugunita namang sinabi mismo ni Cong. Johnny Pimentel na di umano’y 184 ang pipirma kay Velasco sa sandaling magkaroon ng halalan sa pagka-speaker sa 18th Congress.
with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Ini-endorso ng PDP-Laban si Marinduque Cong. Lord Allan Velasco bilang kandidato ng partido para sa house speakership.
Ayon kay Senador Manny Pacquiao, lumagda na ng manifesto ang mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban bilang suporta kay Velasco.
Sinabi ni Pacquiao na maging ang kapartido rin nilang si Cong. Dong Gonzales ay nagbigay na rin ng suporta kay Velasco.
Bagamat hindi anya nagbigay ng endorsement ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng PDP-Laban, may basbas anya ng pangulo ang ginawa nyang announcement hinggil sa kandidatura ni Velasco bilang house speaker.
I’m announcing the endorsement in support of the PDP-Laban to Congressman Lord Allan Velasco as speaker of the House of the Representatives in the full term of the 18th Congress. Alalahanin natin na the president is a PDP and hindi naman natin pinamumukha sa kanila, pero right now, biggest members of the party in the congress ay sa PDP. So, I think, dapat lang na manggagaling din sa PDP ang speaker ng House,” anunsyo ni Pacquiao.
Maliban kay Gonzales, isa pa sa mga miyembro ng PDP-Laban na gustong sumabak sa House Speakership race ay si dating house speaker Pantaleon Alvarez.
Makakaharap ng kandidato ng PDP-Laban sa house speakership race sina Leyte Cong. Martin Romualdez ng Lakas at Taguig City Cong. Allan Peter Cayetano.
Sa panulat ni: Len Aguirre