Kinuwestyon ng Kamara ang pagtuturo ng sexual education sa mga bata partikular na sa elementarya.
Sa panayam ng DWIZ, binigyan-diin ni House Basic Education and Culture Committee Chairman at Pasig City Representative Roman Romulo na bagama’t hindi pa isang ganap na batas ang Comprehensive Sexuality Education Act, iginigiit anya ng Department of Education ang section 14 ng responsible parenthood and Reproductive Health Act of 2012 o RH Law.
Sa ilalim ng section 14 ng RH Law, dapat magkaloob ang estado ng reproductive health education sa mga kabataan partikular na sa adolescence age at ang mga magtuturo hinggil dito ay dapat dumaan sa masusing pagsasanay.
Kaugnay nito, pala-isipan din sa Kongresista kung paano ang ginagawang approach ng mga guro sa pagtuturo ng sexual education dahil anya makaka-apekto ito sa pag-iisip ng isang musmos. – Sa panulat ni Kat Gonzales