Tapusin muna ang pagpapasya sa kapalaran ng panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law bago maging abala sa pulitika.
Ito ang pakiusap muli ni Congressman Rufus Rodriguez, pinuno ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro sa mga kapwa kongresista na abala na sa tila kaliwa’t kanang pangangampanya.
Sinabi ni Rodriguez na nais lamang niya mag botohan na sa panukala para hindi naman aniya masayang ang inilaan nilang oras sa mga hearing, debate at pagsasaliksik hinggil sa naturang usapin.
Una nang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na malabo nang makapasa pa ang panukalang BBL.
By Judith Larino