Bukas si Albay Representative Joey Salceda na magkaroon pa ng ibayong pagtalakay sa proposed measure na naglalayong magtatag ng Maharlika Investment Fund (MIF) na popondohan ng ilang ahensya ng gobyerno.
Ito ang tugon ni Salceda matapos sa ni Senator Imee Marcos na nababahala siya sa isinusulong na paglikha ng Philippine Sovereign Wealth Fund dahil sa pangamba na matulad lamang ito sa 1-Malaysia Development Berhad (1MDB) ng Malaysia na binalot ng kontrobersya at mga isyu ng kurapsyon.
Ayon sa mambabatas, bilang Chairman ng Technical Working Group ng House of Representatives, handa siyang ipagpatuloy ang diskusyon kaugnay sa bagay na ito.
Naniniwala naman si Salceda na makikiisa at magiging aktibo si Senator Marcos sa mga gagawing deliberasyon ng Senado sakaling simulan na ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang pagdinig sa panukala.