Nagsalita na si House Appropriations Committee acting Chairperson Stella Quimbo, kaugnay sa sinasabing blangko sa Bicam report ng 2025 national budget.
Ayon kay Congresswoman Quimbo, nagkaroon lamang ng typographical errors sa isinumiteng report pero kumpleto at walang blangko sa alokasyon ng mahigit 200,000 line items nito.
Nilinaw ng Kongresista, na matagal na ring ginagawa ang Omnibus provisions na nagpapahintulot sa mga technical staff na isagawa ang angkop na pagtatama bago ito isapinal o ipatupad.
Iginiit ng Mambabatas, na “Politically motivated” ang mga kritiko o mga tumutuligsa sa pambansang pondo dahil pilit itong hinahaluan ng isyu o mga maling impormasyon.
Binigyang diin naman ni Congresswoman Quimbo, na ang 2025 General Appropriations bill ay wasto at naaayon sa batas. – Sa panulat ni Kat Gonzales