Handa nang umuwi ng Pilipinas si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. kasunod ng pagtiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang kaligtasan.
Nabatid na muling naglabas ng pahayag si Cong. Teves kasunod ng naging pahayag ni PBBM na walang kinalaman sa e-sabong ang kaso ng kongresista kundi tungkol sa kinakaharap nitong murder case.
Ayon kay Cong. Teves, matagal na siyang nanawagan ng tulong sa pangulo dahil alam na niyang magiging planted ang gagawing operasyon ng mga otoridad sa kaniyang bahay.
Bukod pa dito, nilinaw din ng kongresista ang dahilan kung bakit siya nanatili sa ibang bansa at hindi umuwi ng pilipinas.
Sinabi pa ni cong. Teves na walang problema kung isama sa mga iniimbestigahan kaugnay sa degamo slay case pero iginiit na hindi tama na siya lang ang idiin sa kaso.
Nilinaw naman ng kongresista na hindi niya tatanggihan ang pangulo sa hiling nito na umuwi na ng bansa, dahil sigurado siya sa pangako ni pbbm para sa kaniyang kaligtasan.