Nagpaliwanag si House Committee on Justice chairman at Oriental Mindoro 2nd district Rep. Reynaldo Umali sa dahilan ng paglabnaw ng death penalty bill sa Kamara.
Ito’y makaraang ilimita na lamang sa drug related cases ang maaaring mapatawan ng parusang bitay mula sa dating apat kung saan kabilang ang treason, rape at plunder.
Mas mabilis anyang maipapasa ang death penalty kung nakatutok lamang sa drug related crimes ang pagpapataw ng nasabing parusa.
Ginawa ni Umali ang pahayag bilang reaksyon sa tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nawala ang rape sa mga krimeng dapat patawan ng death penalty.
‘Yung mga mga rape na ‘yan, kidnapping at carnapping kapag ang kriminal diyan ay under the influence of dangerous drugs, death penalty pa rin ‘yan. Hindi totally nawala ‘yung rape at iba pang crimes sa bill na ating pinasa.’ Pahayag ni Umali
Hindi rin anya nababahala ang Kongreso sakaling kuwestyunin sa Korte Suprema ang nasabing panukala dahil sa malinaw ang isinasaad ng konstitusyon hinggil sa re-imposition ng parusang kamatayan.
By Drew Nacino