Nasuka si Akbayan Partylist Representative Tom Villarin nang makatanggap ng imbitasyon kaugnay sa ika-isandaang kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Lunes, Setyembre 11.
Sinabi ni Villarin na nagulat siya at insulto sa kagaya niyang kumukundena sa human rights violations ng Marcoses ang ipinadalang imbitasyon na kaniya aniyang dinuraan.
Ayon kay Villarin, nakakalamang na ang pamilya Marcos lalo pa’t mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing posibleng mabigyan ng immunity ang dating first family kapalit nang pagsasauli ng bahagi ng umano’y nakaw na yaman ng mga ito.
Matatandaang ang Pangulong Duterte ang unang naghayag na handa umanong ibalik ng pamilya Marcos ang ilang bahagi ng tinaguriang ill-gotten wealth nito.