Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na bumaba ng 18% ang congestion rate ng mga piitan sa buong bansa sa taong 2022.
Kasunod ito ng decongestion o ang proseso ng pagpapalaya sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na sangkot sa ibat-ibang uri ng krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.
Ayon kay BJMP chief Jail Dir. Allan Iral, sa datos ng kanilang ahensya, umabot na sa 6,288 PDLs ang nai-release o nabigyan ng pagkakataong makalaya bago matapos ang taong 2022 dahil sa plea-bargaining o ang kasunduan sa pagitan ng prosekusyon at ng akusado.
Ang ilan pa sa mga pinalaya ay dahil sa kanilang mabuti o magandang nagawa sa loob ng kulungan.
Iginiit naman ng BJMP, na kanilang paiigtingin ang zero overstaying sa mga PDL sa 478 na pasilidad sa buong bansa.