Bumaba ang bilang ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Batay sa ulat ni BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, bagama’t 126,000 PDLs ang nagsisiksikan ngayon sa 478 kulungan sa loob ng BJMP bumababa na ito ng 367%.
Mula ito sa 600% congestion rate sa bilangguan sa kasagsagsan ng giyera kontra droga noong 2018, kung saan ayon kay Bustinera mula sa dating anim na nakakulong kada selda, ngayon ay nasa 3-4 na lang ang nakakulong.
Habang, upang matugunan sa ngayon ang nasabing usapin nagkukumpuni at nagtatayo na ng mas malalaking jail facility ang BJMP.