Umaabot na sa 550 percent ang congestion rate sa lahat ng bilangguan sa ibat ibang panig ng bansa.
Ayon kay Senior Inspector Xavier Solda, spokesman ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology, nangangahulugan ito na ang espasyo para sa isang tao ay inookupahan ng anim na preso.
Pahayag ito ni Solda matapos ihayag ng PNP-NCRPO na may dalawampu’t anim na preso na sa Metro Manila ang nasawi mula lamang nung nakaraang taon dahil sa siksikan sa bilangguan.
Gayunman, sinabi ni Solda na inaaksyunan na ng pamahalaan ang problema sa siksikang mga bilangguan sa bansa.
Sa katunayan, mahigit isa at kalahating bilyong piso anya ang ibinigay na pondo ng Pangulong Rodrigo Duterte para ipagpatayo ng karagdagang pasilidad para sa mga preso.
By Len Aguirre
Congestion rate sa lahat ng bilangguan sa bansa umaabot na sa 550% was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882