Itinuturing pa ring high nationally at regionally ang banta ng paglaganap ng ebola virus.
Ito ayon sa World Health Organization (WHO) ay kaya’t nananatiling public emergency of international concern ang ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.
Subalit nilinaw ng WHO na mababa naman ang tsansang kumalat ang ebola sa iba pang panig ng mundo.
Tutulak pa Congo si WHO Head Tedros Adhanom Ghebreyesus para makausap ang Pangulo ng Congo kung saan nasa 2,200 na ang nasasawi dahil sa ebola.
Bukod sa ebola nabatid na pumapalo na sa 6,300 ang death toll sa sakit na tigdas sa Congo.