Sumakabilang buhay na kaninang alas-8:07 ng umaga si OFW Family Partylist Representative Roy Señeres, Sr. dahil sa cardiac arrest.
Dalawang araw ito matapos umatras sa presidential race ang dating ambassador na idinahilan ang kanyang kalusugan sa pag-atras.
Ayon kay Ike Señeres, kapatid ng dating ambassador naisugod pa sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang kongresista.
Ang mga labi ni Señeres, 68-taong gulang at isang diabetic ay inaasahang ilalagak sa Manila Memorial Park.
Si Señeres ay naging sugo ng bansa sa United Arab Emirates at siyang nakatulong maisalba sa bitay ang OFW na si Sarah Balabagan bago naging Chairman ng NLRC o National Labor Relations Commission noong Estrada administration.
Malacañang
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulong Benigno Aquino III sa pamilya Señeres.
Ito ay matapos sumakabilang buhay si Señeres kaninang alas-8:00 ng umaga dahil sa cardiac arrest.
Kinilala ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma ang kontribusyon ni Señeres sa labor sector partikular noong maging chairman ng NLRC o National Labor Relations Commission mula 2000 hanggang 2005.
Una nang binawi ni Señeres ang pagkandidato sa presidential elections dahil sa problemang pangkalusugan
By Judith Larino