Idineklarang persona non-grata sa kanyang sariling probinsya si Ilocos Norte Representative at Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas.
Nagkaisa ang Sangguniang Panlalawigan sa naturang resolusyon kaugnay pa rin sa paninindigan ng Kamara na ikulong ang Ilocos 6.
Ayon kay Board Member Vicentito Lazo, tila nalalasing na sa kapangyarihan si Fariñas.
Pinalagan naman ito ni Fariñas, aniya walang sinuman lalo na ang Sangguniang Panlalawigan ang karapatan na ideklara siyang persona non-grata sa kanyang probinsya.
Iginiit ng mambabatas na ang pagdedeklara nito ay para lamang sa diplomatic relations at epektibo lamang sa mga dayo sa lugar.
Samantala, inihayag ng Kamara na handa na ang pagkukulungan kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos kung mabibigo itong dumalo sa susunod na pagdinig sa iregularidad sa paggasta ng 66. 45 milyong mula sa excise tax ng tobacco.
By Rianne Briones
Fariñas idineklarang persona non-grata sa Ilocos Norte was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882