Nag positibo sa COVID-19 si Pasay City Congressman Antonio Calixto.
Ayon kay Calixto, naka-isolate na siya matapos makumpirmang dinapuan ng COVID-19 nang magpatingin sa doktor kasunod nang naranasang mild cough noong Lunes.
Nag negatibo naman sa COVID-19 ang close contacts ni Calixto kabilang ang mga miyembro ng pamilya nito, bagama’t naka quarantine na ang mga ito sa susunod na 14 na araw.