Nagpiyansa si Surigao del Sur Representative Prospero Pichay sa Sandiganbayan Fourth Division para sa patung-patong na kaso na kanyang kinakaharap.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y maanomalyang bank acquisition deal ng Local Water Utilities Administration o LWUA noong siya pa ang chairman nito.
Dalawang daan at limampung libong piso (P250,000) ang inilagak na piyansa ni Pichay.
Si Pichay ay nahaharap sa 3 counts ng graft, 3 counts ng malversation of public funds, isang count ng paglabag sa Republic Act no. 8791 o General Banking Law, at isang count ng paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB).
Samantala, itinakda ng korte ang arraignment kay Pichay at sa iba pang respondents sa Agosto 15, alas-8:30 ng umaga.
By Meann Tanbio