Mas naging abala sa Kamara si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo sa kabila ng pagkakasibak nito sa puwesto bilang Deputy House Speaker dahil sa pagkontra sa panukalang bubuhay sa death penalty.
Ito’y makaraang mahalal si Ginang Arroyo bilang miyembro ng 12 House Committees mula sa kabuuang 58 komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Pasok ang dating Pangulo sa Committees on Local Government; Veterans Affairs and Welfare; Ways and Means; Economic Affairs; Foreign Affairs; Government Enterprises and Privatization; Housing and Urban Development; Justice; Labor and Employment, National Defense and Security; Population and Family Relations at Revision of Laws.
Samantala, isa rin ang dating Pangulo sa mga nangungunang mambabatas sa 17th Congress na may pinakamaraming inihaing panukalang batas na aabot sa 164.
By Drew Nacino