Posibleng pagbigyan ang hirit ni Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na makalabas ng bansa.
Naghain si Arroyo ng “very urgent supplemental motion” para makalabas ng bansa sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112.
Ayon kay Court Office Hermito Dela Cruz III, malaki ang posibilidad na mapagbigyan ni Judge Jesus Mupas ang naturang mosyon ng dating Pangulo at ngayo’y Kongresista.
Bukod umano sa kasong electoral sabotage na nakabinbin sa naturang korte ay wala nang ibang kaso pa si Arroyo.