Bukas si Congresswoman Leni Robredo na tumakbong senador sa 2016 sa ilalim ng Liberal Party (LP).
Gayunman, sinabi ni Robredo na naka-depende ang pagsabong niya sa senatorial elections kung kanino maiiwan ang distrito.
Kailangan muna aniya niyang matiyak na nasa maayos na kamay maiiwan ang kaniyang constituents at maipagpatuloy ang mga nasimulan niyang programa.
Ayon kay Robredo, isa sa posibleng pumalaot sa congressional race sa 3rd District ng Camarines Sur si dating mayor ngayo’y konsehal na si Gabriel Bordado ng Naga City.
By Judith Larino