Handa kapwa Sina Congresswomen Vilma Santos-Recto at Josephine Ramirez-Sato na bitiwan ang kani-kanilang committee chairmanships at mahahalagang puwesto sa Kamara.
Ito ang tugon nina Recto at Sato sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalan ng committee chairmanships at mahahalagang puwesto sa Kamara ang mga boboto kontra death penalty bill na siyang pananaw ng mga naturang kongresista.
Iginiit ni Recto na mas matimbang sa kaniya na bigyan ng pagkakataon ang mga kriminal para sa rehabilitation.
Tanging ang boses ng mga constituents aniya niya sa Lipa City ang kanyang pakikinggan at karamihan sa mga ito ay tutol sa parusang kamatayan.
Gayunman, sinabi naman ni Sato na posibleng magka problema ang liderato ng Kamara kapag inalis siya bilang miyembro ng commission on appointments na isang independent at constitutional body.
By Judith Larino | With Report from Jill Resontoc