Inabswelto ng Ombudsman si Dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder may kaugnayan sa Malampaya Fund Scam.
Sa kanilang 134-page joint resolution, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nabigo ang mga complainant na patunayan na sangkot si Arroyo at ang mga dating agriculture officials na sina Nida Baui at Dominador Sison sa pag-divert ng P900 Million Malampaya Fund.
Gayunman, ipinag-utos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder kina dating budget secretary angayo’y Cong. Rolando Andaya Jr, negosyanteng si Janet Lim-Napoles at 23 iba pa dahil sa paglalagay ng pondo ng malampaya project sa ilang pekeng NGO’s.
Ang mga nabanggit at sasampahan din ng 97 counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at 97 counts ng malversation through falsification of public documents dahil sa mga pekeng NGO ni Napoles.
By: Meann Tanbio