Simula pagkabata, close at hindi mapaghiwalay ang magkapatid na sina Abby at Brittany Hensel. Hindi na ito nakapagtataka dahil literal na magkadikit sila bilang conjoined twins.
Unang nakilala ang kambal matapos mag-guest sa isang sikat na talk show. Nagkaroon din sila ng sariling reality series.
Ngayon, isang major life milestone ang kanilang nakamit dahil kasal na ang isa sa kanila!
Kinasal si Abby sa nurse at US Army veteran na si Josh Bowling; samantalang single si Brittany.
Kahit mayroon silang sariling puso, utak, lungs, stomach, at kidney, iisa lang ang ari at katawan ng kambal. Gayunman, magkaibang tao sina Abby at Brittany—legally speaking.
Dahil dito, maaari pa ring magpakasal si Brittany sa ibang tao kung mapagdesisyunan niya ito.
Sa isang documentary na pinamagatang Joined for Life, ibinahagi ng kanilang inang si Patty Hensel na interesadong magkaroon ang kambal ng mga anak sa darating na panahon.
Dahil gumagana naman nang maayos ang kanilang reproductive system, hindi ito imposibleng mangyari sa hinaharap.
Sa kabila ng pagiging kakaiba, hindi pumapayag sina Abby at Brittany na maging biktima ng kanilang pisikal na kapansanan. Nagsisikap silang mamuhay nang normal at produktibo, at dapat itong hangaan at respetuhin.