Isinulong ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin ang “connectivity” bilang solusyon sa matinding treapiko sa EDSA.
Ito, ayon kay Garbin ay kaya’t dapat maglagay na lamang ng intermodal terminals sa Metro Manila.
Sinabi ni Garbin na kailangang sa pagbaba pa lamang ng terminal ay mayroon nang malapit na LRT, subway at paliparan.
Kasabay nito, pinaringgan ni Garbin ang MMDA sa pagbabawal sa mga provincial bus na pumasok sa EDSA dahil hindi ito sakop ng polisiya ng national government at walang pag aaral at data na sumusuporta sa nasabing plano.