Tiniyak ni Mixed Martial Arts star Conor McGregor na kanyang tatalunin si retired boxing champion Floyd Mayweather Jr. sa oras na magkaroon sila ng rematch.
Sinabi ni McGregor na kailangan lamang niyang baguhin ang kanyang training at istratehiya sa mismong laban.
Aminado si McGregor na kinapos siya ng husto sa laban kontra sa wala pang talong si Mayweather.
Kasabay nito, umaasa rin si McGregor na mayroon siyang boksingero na madadala niya sa kanyang mundo at makakalaban.
Sa ngayon, abala si McGregor sa nakatakda niyang pagdepensa sa kanyang UFC lightweight title.
—-