Itinuturing na landmark verdict sa bansang India ang pagkakabasura ng Korte Suprema sa naturang bansa sa batas na nagbabawal sa consensual gay sex.
Ito ang dahilan kaya’t nagdiriwang ngayon ang mga miyembro ng LGBTC o lesbians, gays, bisexuals and transgender community dahil nalasap na rin nila ang tagumpay matapos ang halos isang dekarang pakikipaglaban sa kanilang karapatan.
Magugunitang taong 2009 nang maglabas ng hatol ang High Court ng India na mahigpit na nagbabawal sa consensual gay sex dahil sa paglabag umano ito sa fundamental rights ng isang tao.
Sinusugan naman ito ng isa pang desisyon ng High Court na nagsasabing nararapat na igalang ang karapatan at kapakanan ng mas nakararaming hindi kabahagi ng LGBT Community.
Ito ang dahilan kaya’t hindi tinantanan ng LGBT Community ang kanilang kampaniya sa harap na rin ng araw-araw na panlalait sa kanila hanggang sa mabaliktad ang desisyon ng mataas na hukuman sa nasabing bansa.
—-