Tinatayang aabot sa mahigit 200,000 mga migranteng Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat ang makikinabang.
Ito’y sa sandaling lagdaan na ngayong araw ng ASEAN leaders ang isang consensus na nagtataguyod para sa karapatan at kapakanan ng mga migranteng mangagawa sa rehiyon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa mga nilalaman ng naturang kasunduan ay ang tamang pagtrato sa mga migranteng manggagawa anuman ang kasarian o lahi nito.
Binibigyang kalayaan din ng nasabing kasunduan ang mga migranteng manggagawa na mabisita ang kani-kanilang mga pamilya nang hindi kinukumpiska ang kanilang mga pasaporte.
Nakasaad din sa naturang kasunduan ang pagbibigay proteksyon sa mga migranteng manggagawa laban sa pang-aabusong seksuwal, mental at pisikal gayundin sa karahasan.
—-