Pormal nang nilagdaan ng mga ASEAN leaders ang isang kasunduan o consensus na magbibigay proteksyon sa mga migrant workers sa loob ng rehiyon.
Sa ilalim nito, itinataguyod ng nasabing consensus ang pantay na pagtrato sa mga migranteng manggagawa na walang pinipiling kasarian o lahi.
Binibigyan rin nito ng karapatan ang pamilya ng mga migranteng manggagawa na mabisita sila gayundin sa tamang suweldo, benepisyo, kalayaang sumali sa mga unyon at makakuha ng sapat na impormasyon hinggil sa kanilang trabaho.
Maaari na ring magsampa ng reklamo ang isang migrant worker laban sa pang-aabuso ng kaniyang amo at dapat din itong bigyan ng pantay na karapatan tulad ng sa mga lokal na manggagawa sakaling makulong.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang chair ng ASEAN para sa taong ito, maituturing na milestone ng mga bansang kasapi sa rehiyon ng ASEAN ang nasabing consensus na bumilang ng dekada bago naaprubahan.
Pakingan: ang tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ulat nina Jopel Pelenio, Cely Ortega-Bueno at Raoul Esperas
SMW: RPE