Nagbabala ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Hudikatura na huwag i-delay ang implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, mapipilitan syang hindi sundin ang anumang kautusan ng korte kung magiging dahilan ito para maipagpaliban ang mga proyekto.
Aniya, magiging kalakalaran kasi ng mga natatalong mayayaman at natatalong bidder na humirit ng TRO o Temporary Restraining Order na magiging hadlang naman sa pagpapatuloy ng mga government project.
Kung ipipilit ng korte ay mapipilitan syang turuan ang mga pulis at sheriff na huwag sumunod sa utos ng korte.
Samantala, nagbabala naman ang pangulo ng constitutional crisis sakaling hadlangan ng korte ang pagbawi ng gobyerno sa pag-aari nito mula sa Makati.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte