Isang malinaw umano na paglabag sa batas ang naging hakbang ng Ombudsman na kasuhan si dating Vice President Jejomar Binay
Kaugnay ito sa maanomalyang transaksyon na pinasok ni Binay sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building 2 nuong siya’y nanunungkulan pang Alkalde ng lungsod
Ayon kay Joey Salgado, Media Affairs Officer ni Binay, partikular na nilabag ng Ombudsman ang Constitutional Rights to Due Process ni Binay dahil sa aniya’y pilit na pagsasampa nito ng kaso
Una nang pinaratangan ni Binay ang Ombudsman na protektor umano ng Liberal Party dahil sa pagsusulong nito ng kasong wala namang sapat na batayan
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco