Dead-on-arrival ang isang construction worker ang nasawi makaraang mahulog at malunod sa loob ng manhole sa Quezon City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rolando Mejerito Eran, 21-anyos.
Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nililinis ni Roger Eran, ama ng biktima ang manhole nang biglang mahulog sa kasagsagan ng ulan.
Sinagip ng biktima ang ama subalit siya ang na-trap at nalunod.
Naiahon naman ang biktima at dinala sa ospital subalit binawian din ng buhay.