Isang construction worker ang namatay matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng itinatayong gusali sa Katipunan, Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Danilo Maala 37 anyos, residente ng San Fernando, Pampanga.
Batay sa imbestigasyon, inaalis ni Maala ang nakakabit na beam nang mawalan ito ng balanse at malaglag.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Inaalam na kung may pananagutan ang contractor ng gusali sa naturang insidente.
SMW: RPE