Pinatay ang isang construction worker ng anim na lalaking pumasok sa kanyang bahay sa Tumana, Navotas City.
Ayon sa mga nakasaksi, pinalabas ng mga salarin ang biktimang si Orlando Caballero mula sa kanyang bahay bago siya binaril kaninang alas 2:00 ng madaling araw.
Itinanggi ng pamilya ni Caballero na sangkot siya sa iligal na droga.
Gayunpaman, walang ideya ang kanyang pamilya sa posibleng dahilan ng pamamaslang.
By: Avee Devierte