Patay sa pananaksak ang isang construction worker nang pagtulungan itong saksakin ng lasing na magkapatid na kasamahan niya sa trabaho sa loob sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Benjie Villar Mirabite habang arestado ang isa sa mga suspek na si Jaime Lebrino, habang tinutugis pa ang kapatid nito na si Viner.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, nag-iinuman sa barracks ang magkapatid na suspek kasama ang testigo na si alyas ‘Gerry’ at saka bumaba sa kanilang kuwarto kung saan nandoon ang biktima.
Narinig na lang ni alyas ‘Gerry’ na sumisigaw ng tulong ang biktima.
Nang puntahan niya ang biktima, nakita niyang pinagsasaksak ba ng magkapatid ang biktima.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival ng umasisteng doktor.
Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga salarin na mabilis tumakas matapos ang ginawang krimen.