Nasawi ang isang construction worker sa Zamboanga City matapos makuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lannie.
Kinilala ang biktima na si Arjon Bernabe.
Batay sa ulat, nag-aayos ng bubong si Bernabe nang makuryente sa live wire.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Humihingi naman ng tulong ang kaniyang ina sa may-ari ng bahay na inayos ng kaniyang anak.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico