Nangunguna ang construction sector sa industriyang hinahanap ngayon sa Saudi Arabia.
Ito ang sinabi ni Atty. Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) kung saan mataas ang demand ng construction workers sa nasabing bansa.
Maliban dito, in demand din umano ang mga health workers at mga kasambahay.
Matatandaang November 7 ngayong taon muling bubuksan ng pamahalaan ang deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia matapos maayos ang gusot sa isyu ng proteksyon at karapatan ng ito.
Samantala, sinabi naman ni Cacdac na nakuha ni DMW Secretary Susan Ople ang commitment ng Saudi government sa pamamagitan ni Labor Minister Ahmed Al-Rajhi para paigtingin ang proteksyon ng mga OFW sa Saudi.