Ipinare-recall ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa Department of Foreign Affairs (DFA) si Consul General Roberto Manalo na nakatalaga sa Indonesia.
Ayon kay Migrante Chairperson Connie Regalado, bunga na rin ito ng matinding pagpapabaya na ginawa ni Manalo sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang OFW na nakalinyang mabitay sa Indonesia.
Binigyang diin ni Regalado na sana’y magsilbing warning sa mga Embassy officials ng Pilipinas sa iba’t ibang panig ng bansa ang pagpapa-recall kay Manalo.
“’Yung pagpapabaya ng ilang taon at kung paano niya inalalayan si Mary Jane, paanong tinugunan ang responsibilidad nila mismo para mabigyan man lang ng enough information ang pamilya kuing ano na ang nangyari sa kaso, so the warning to our Philippine embassy officials na talagang hindi nagpapabaya para sa mga OFW’s.” Ani Regalado.
Samantala, hihilingin ng Migrante sa Department of Justice (DOJ) na ituloy na ang imbestigasyon sa mga kasong isinampa ng pamilya Veloso laban kay Cristina Sergio, ang recruiter ni Mary Jane.
Ayon kay Regalado, umaasa sila na patuloy na ibi-binbin ng Indonesian government ang pagbitay kay Mary Jane bilang paggalang sa proseso ng batas sa Pilipinas.
“Doon naman tayo tumutuntong sa kanilang commitment na irerespeto nila ang legal process, kasi pag-start ng trial sabi ng Attorney’s General Office ng Indonesia, bibigyan nila ng pagkakataon si Mary Jane na makapag-witness ng isang beses, so hopefully makapag-witness siya kapag gumulong na ang trial.” Pahayag ni Regalado.
By Len Aguirre | Ratsada Balita