Nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Charles Jose na hindi pa tiyak kung Pilipina nga ang sinasabing naaresto kasama ng isang Syrian kaugnay sa terror plot sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Jose na ito ay dahil hindi pa personal na nakakausap ng mga opisyal ng Pilipinas sa Saudi ang umano’y Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Una nang napaulat na isang Pinay at kinasama nitong Syrian, ang hinuli matapos makitang gumagawa ng vest na kadalasan umanong ginagamit ng suicide bombers.
“Hihingi po sila ng consular access para makausap itong alleged Filipina na ito, matitiyak lang po natin na Filipina siya kung makausap na po at makita ng embassy ang kanyang mga dokumento, sa announcement po ng Ministry of Interior ay wala pong masyadong detalye at wala rin po silang sinabi na basehan nila ba’t nila nasabi na Pilipina ‘yan.” Pahayag ni Jose.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit