Pinatatapos na ng Pro-Duterte Blogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy ang kanyang consultancy contract sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Sinabi ni Nieto na ido-donate na lamang niya sa isang charity organization ang mahigit tatlumpung libong (P30,000.00) suweldo niya sa loob ng tatlong buwang naging consultant siya ng DFA – Office of Migrant Workers Affairs.
Sa kaniyang post, humingi pa ng suggestion si Nieto sa kanyang followers ng mga posibleng charity organizations na uubra niyang pagbigyan ng kaniyang hindi pa nakukuhang suweldo.
Matatandaang sinabi ni Nieto sa hearing ng Committee on Public Information and Mass Media ng senado na handa siyang magbitiw bilang head ng Strategic Communications ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs kung may mali sa kanyang ginagawa.