Tiwala ang isang consultant ng National Democratic Front o NDFP na mayroon pang pag – asa na muling ituloy ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at CPP – NPA –NDF.
Ayon kay Randy Malayao, ito ay hangga’t hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination letter sa peace talks.
Naniniwala din si Malayao na tanging ang 5th round lamang ng usapang pangkapayapaan ang siguradong kanselado.
Samantala, ikinabahala naman ni Malayao ang negatibong epekto ng pagtawag ni Pangulong Duterte sa komunistang grupo bilang “terorista” dahil sa posibleng epekto nito sa maliliit na mamamayan.
Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na itinuturing niya nang terorista ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).