Maaari nang arestuhin ng pamahalaan ang mga consultant ng CPP – NPA – NDF ngayong tuluyan nang tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman, Major General Restituto Padilla, kanselado na ngayon ang safe conduct pass na ibinigay noon ng gobyerno sa mga consultant ng upang pansamanatalang makalaya at makalahok sa peace talks.
Nagbabala din aniya ang militar na madamay sa pag – aresto ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong ng mga rebelde lalo’t itinuturing na ngayon ang mga ito na terorista.
Bagaman hindi direktang masabi ni Padilla kung maglulunsad na ang militar ng giyera laban sa NPA, tiniyak ng AFP official na kanilang paiigtingin ang mga operasyon operations sa mga lugar na may presensya ng mga rebeldeng grupo.
AFP says all CPP-NPA consultants given safe conduct pass to be arrested now that peace talks have been terminated @dwiz882 pic.twitter.com/C6aXXsI7Md
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 24, 2017