Nagsimula nang magpulong ang Consultative Committee na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang mga kailangan amyendahan sa konstitusyon.
Nanguna sa nasabing pagpupulong si dating Chief Justice Reynato Puno kasama ang labingwalong (18) itinalagang miyembro nito.
Iminungkahi naman ni Senate President Nene Pimentel, isa sa mga miyembro ng komite na magsawa sila ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor at gawing bukas sa publiko ang lahat ng kanilang pagpupulong.
Giit ni Pimentel, makabubuting madinig ng taumbayan ang kanilang mga tatalakayin dahil inaasahang magiging mainit ang debate hinggil dito.
—-