Bahagyang bumaba ang consumer confidence sa bansa sa huling quarter ng taong kasalukuyan dahil umano sa isyu ng extra judicial killings (EJK’s), droga at pag – atake ng mga terorista.
Ayon kay Rosabel Guerrero ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula sa dating 10.2% ay sumadsad sa 9.5% ang consumer confidence index na mas mababa ng kaunti kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.
Gayunman, nilinaw ni guerrero na nasa “positive territory” pa rin ito simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo ng nakaraang taon.
Itinuturing din ito bilang “third highest” na antas ng kumpiyansa ng mga consumers mula nang ilunsad ang survey noong 2007 sa ilalim ng Arroyo administration.
Sinasabing ito ay hindi maitatangging kakawing ang indikasyong mataas ding tiwala ng consumers sa pamahalaang Duterte.