Tumaas ang consumer confidence para sa ikalawang bahagi ng 2018.
Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Batay sa resulta ng Consumer Expectations Survey na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 3.8 percent ang overall confidence index mula sa 1.7 percent noong unang quarter ng taon.
Dahil dito, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo mas marami pa ring consumer ang nananatiling positibo.
Naniniwala ang BSP na ang pagtaas ng consumer confidence ay epekto ng gumagandang peace and order sa bansa, epektibong polisiya ng gobyerno, pagkakaroon ng mas maraming trabaho at malaking ipon ng pamilya.
—-