Nanawagan ang Confederation of Filipino Consumers kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na magbitiw sa pwesto.
Ayon kay CFC Secretary General Perfecto Tagalog, hindi akma para sa isang MMDA chairman na madalas makita sa mga probinsya dahil sa bukod sa wala ito sa kanyang jurisdiction ay hindi naman nito mareresolba ang trapiko sa kalakhang maynila.
Dahil dito, binigyang diin ni Tagalog na kung mas mahalaga ang ambisyon ni Tolentino ay mas maiging ibigay na nito sa iba ang kanyang posisyon upang matugunan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa rehiyon.
By: Jelbert Perdez