Tinawag na desperado ng Koalisyon Bantay Kuryente Inc (KBK) ang Panay Electric Company (PECO) sa paggamit nito sa kanilang grupo.
Ito’y makaraang mabunyag na huwad o peke ang 2 nagpapakilalang lider ng grupo na ginagamit umano ng PECO para siraan ang katunggaling MORE Electric and Power Corporation (MORE Power).
Ayon kay Halley Alcarde, ang tunay na Pangulo ng KBK, walang koneksyon sa kanilang grupo sina Allen Aquino at Ruperto Supena na nagpakilalang convenor ng grupo.
Magugunita na makailang beses nang humarap sa mga virtual conference ng PECO sina Aquino at Supena na nagpapakilaang lehitimong lider ng consumer group at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City.
Kabilang sa mga akusasyon nito ay ang pagdoble ng insidente ng brownout at pagtaas ng system loss na siyang dahilan kaya’t ipinapanawagan nito sa Energy Regulatory Commission(ERC) na magpatupad ng refund.
Giit ni Alcarde, ng mga nasabing akusasyon nila Aquino at Supena ay pawang base sa maling impormasyon at layon lamang siraan at targetin ang More Power.
Kung balak aniya ng dalawa na siraan ang MORE Power, sinabi ni Alcarde na dapat gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang kanilang libong miyembro.
Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission.We did not give them that mandate.For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members,” paliwanag ni Alcarde.
Dahil dito, magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees upang magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC hinggil sa aniya’y mga pinakawalang alegasyon ng 2 laban sa MORE Power.
Our association being the legitimate representative of the Iloilo City power consumers, cannot and will not ignore these acts of misrepresentations by Aquino and Supena, they owe us and the public an explanation and an apology”dagdag pa ni Alcarde.
Binigyang diin pa ni Alcarde, sila pa mismo ang makapagpapatunay na umayos ang serbisyo ng Kuryente sa Iloilo mula nang magtake over sa kanila ang MORE.
Although we wish not to take sides on the issue between PECO and More Power.It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services. There are also downsides, but we are mindful of the fact that the power anomalies and outrages we are experiening right now are a result of PECO’s severely underdeveloped distribution facilities and neglect,” pahayag ni Alcarde.
Rehistrado sa Securities & Exchange Commission (SEC) ang KBK na binubuo ng ibat ibang mga organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents associaion, jeepney and operators association at advocacy group na Bawal ang Korap.